Chinese pork ugat ng ASF crisis

Sinisi ng isang ­party-list ­congressman sa mga imported na karneng galing ­China kung bakit ­nagkaroon ng African Swine ­Fever (ASF) outbreak sa ­bansa.

Ayon kay Magsasaka party-list Rep. ­Argel Cabatbat, ­lumabas na ang mga ulat na galing ang ASF virus sa mga food product na inangkat sa China na lalong nagpatibay sa ­nauna na nilang posisyon na ang mga smuggled pork at pork product ang dapat sisihin sa ASF crisis.

“Reports have ­already surfaced that the virus originated from food products imported from ­China, which strengthens our position from the very start that ­smuggled pork and pork ­products are to be blamed for the ­crisis,” ani Cabatbat.

Dahil rito, iginiit ng mambabatas na ­bukod sa mahigpit na ­pagmo-monitor sa mga ­lokal na babuyan ay ­paiigtingin din ang pagbabantay laban sa pagpasok ng mga karneng galing sa ibang bansa.

“More stringent measures should be in place so that ASF ­infested imported pork and pork ­products ­cannot enter the ­country,” ani Cabatbat. (JC Cahinhinan)