Mahiyain at hindi showbiz ang rich businessman boyfriend ni Arci Muñoz na si Anthony Ng, pero napapayag niya itong mag-cover shoot sila para sa isang online showbiz magazine.
May business venture kasi ang magdyowa na isang Peruvian resto sa may Sto. Domingo sa QC, so doon na rin naganap ang kanilang shoot.
Oppa ang tawag ni Arci sa kanyang Chinito boyfriend, na ang biro niya, i-message lang siya ng mga naghahanap ng Chinito roles at puwede raw ang nobyo niya. May cut daw siya ‘pag na-discover ito.
Sobrang inlabey ang 30-anyos na Kapamilya actress kay Anthony, na ang alam ng mga taga-showbiz ay milyonaryo at dating naging boyfriend (at muntik nang pakasalan noon) ni Erich Gonzales.
Kabilang sa mga nakarelasyon ni Arci before ay sina Kean Cipriano at ang musikerong anak ni Sultan Jefri Bolkiah ng Brunei na si Badi del Rosario.
Sey ni Arci nu’ng presscon ng movie nila ni JM de Guzman na “Last Fool Show,” kailangan niyang pagdaanan ang mga relasyon na ‘yon bago niya ma-meet ang tamang lalaki para sa kanya.
Ngayon ay handa na raw mag-settle down si Arci with Anthony, na wish niyang bigyan siya ng mga anak na Chinito.
Ngayon ang showing in cinemas nationwide ng “Last Fool Show” movie nina Arci at JM.
Graded B ng CEB ang romcom na dinirek ng acclaimed indie filmmaker na si Eduardo Roy, Jr. (ng “Pamilya Ordinaryo” at “Quick Change”).
***
Julia takip ang mukha nang manganak?
Ilang beses na naming na-blind item dito ang tungkol sa panganganak umano ni Julia Montes sa isang ospital dito sa Metro Manila.
May mga kumontra sa chika namin dahil hindi raw totoong nabuntis si Julia at nasa Germany raw ito kasama ang pamilya.
Ngayon ay mga showbiz insider na mismo ang nagkukumpirma na nanganak daw ang 24-anyos na Kapamilya actress sa isang ospital sa San Juan.
Gaya ng na-BI namin, dalawang magkaibang source namin ang nagsabi na sa Cardinal Santos Medical Center umano nagsilang si Julia ng sanggol, na ang sinasabing ama diumano ay ang matagal nang napapabalitang nobyo ng aktres na si Coco Martin.
Mga doktor din daw ang source ng chika dahil sila ang may alam tungkol sa naganap na “lihim na operasyon” na ang nag-facilitate diumano ay mga bigating consultant ng nasabing ospital.
Ang recent chika ng aming source ay naka-hijab umano si Julia nang mag-deliver ito ng baby. Hijab ang tawag sa head covering na sinusuot ng ilang Muslim women.
Bukod sa takip nito sa ulo at mukha ay nakasuot din daw ng abaya (tawag sa robe-like dress ng ilang babaeng Muslim) ang aktres kaya covered ito mula ulo hanggang paa.
Kalerky kung totoo ang info ng aming source dahil ang lakas maka-teleserye ng ganap, na kailangan pa ng ganu’ng klase ng pagpapanggap.
Actually, ang daming nagtataka kung bakit ganu’n katindi ang effort na ilihim kung totoo ngang nabuntis at nanganak na si Julia.
In this day and age, isinisikreto pa ba ang ganitong bagay? Hindi naman na menor de edad si Julia at ang dami nang kaso ng nagkabuntisan sa showbiz, so what’s the big deal?
Isa pa, kung totoo ngang si Coco ang ama ng anak ni Julia, she should be proud about it dahil ang suwerte ng magiging anak niya.
At si Coco naman na 37-anyos na, nasa tamang edad na para mag-asawa at magkapamilya.
Naalala namin na nu’ng bago-bago pa sa showbiz si Coco ay napabalitang siya ang ama ng anak ng sexy star na si Katherine Luna, na nakapareha niya sa indie film na “Masahista” (2005).
Nu’ng time na ‘yon ay buong ningning na inako ni Coco ang bata, pero nang maipa-DNA test ito ay natuklasang hindi pala siya ang ama ng anak ni Katherine.
Ngayong sobrang sikat at sobrang yaman na ni Coco, siguro naman ay hindi niya itatanggi at sa halip ay proud pa niyang aaminin na siya ang ama ng baby ni Julia.
PAK!!