Tinatayang aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga customs bonded warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga nakaraang araw habang naka-lockdown ang Metro Manila dahil sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay IA lll Gerald A. Javier, Linder ng NAIA-IADITG operatives, ang unang parsela na nasamsam ay may timbang 300 grams ng Methamphetamine Hydochloride o shabu na tinatayang P2,040, 000.00 na nakapaloob sa dalawang containers.

Ang droga ay dineklarang ‘chocolates’ kung saan ang shipper ay nakilalang si Ong, Glen C. Ng San Pedro Laguna at ito ay naka-consigned kay Enderes, Shelly Ann na may address, pick-up branch sa Regent Arcade Bldg., J.M. Basa st., Iloilo City.

Ang pangalawang parcel ay deklaradong ‘Biscuits Chocolates’ na pinadala ni Sebastian, Irene ng Sta Rosa, Laguna at ang consignee ay nakilalang si Panadero, Edwin na may address pick-up branch sa B-3 Lower Level Gaisano City Araneta, Singcang, Bacolod City na may timbang na 200 gramo at may halagang 1, 360,000.00 ng shabu na nakatago sa loob ng isang lata ng snacks.

Natunton ang mga droga sa pamamagitan ng random baggage profiling at K9 Sweeping.

Ang nakumpiskang shabu ay dinala sa LBC Warehouse, General Aviation Area, Domestic Rd., Pasay City para official na i-turn over sa PDEA. (Otto Osorio/Mina Aquino)