Choi ayaw iatras ang demanda kay Hara

PATULOY na pinag-uusapan ang naging scandal sa pagitan ng singer/actress na si Goo Hara at ex-boyfriend niya na si Choi na isang hair stylist.

Ang isyu nga, nagreklamo si Choi ng physical harassment mula sa girlfriend nang huli silang mag-away sa place nito. Itinanggi naman ni Goo Hara ang akusasyon sa kanya at ipinakita ang mga medical report na siya ang nasaktan.

After na magpa-interview ni Hara, napagdesisyunan nito through her lawyer na baka raw puwedeng mag-settle na lang sila amicably at matapos na ang controversy. Pero ayon sa lawyer/represen­tative ni Choi, hindi raw nagbabago ang desisyon nito na ituloy ang kaso laban sa ex-girlfriend.

Isang acquaintance raw ni Choi ang nakausap ng Chosun Ilbo. At ayon dito, “The request for a settlement and apo­logy should’ve been given to Choi first. Choi is very upset that Hara delivered the apology and wish for a settlement through a media interview rather than directly to him. He’ll give various thoughts throughout the Chuseok holiday but coming to a settlement will not be easy.”

Ayon din sa lawyer ni Choi, “It’s true we have received an offer for a settlement from Hara’s legal representative. However, we have no­thing much to say as there are no changes in our client’s stance.” ()