
Nagbalik-tanaw si Choi Ye Seul dahil biktima siya ng pambu-bully noong estudyante siya.
At that time, ang nagsilbing tila “hero” niya ay ang member ng South Korean boy band na si Mino. Since their school days ay magkaibigan na nga raw ang dalawa.
Ayon kay Ye Seul, “I used to be bullied back in school.
“I was bullied, but it wasn’t necessarily that other people tortured me. It was more that I didn’t have any friends.
“Even so, I did everything I wanted to do like be the class leader, but I think they hated
me for standing out too much.”
At si Mino nga raw ang naging daan din kung bakit naka-survive siya sa school life at pambu-bully sa kanya.
“During those days, Mino helped me a lot.”
“Mino worked really hard during school. He would work on songs at home and send it to me. He asked me for my opinion too.”
Huli raw na nakausap ni Ye Seul si Mino ay during Winner’s program kunsaan, tinawagan niya ito. Dahil na rin sa parehong busy ang schedule nila, lalo na si Mino bilang isang idol, madalang na raw silang magkita.
Pero sabi ni Ye Seul, si Mino ang isa sa mga kaibigan niya na hindi niya makakalimutan.
May boyfriend na si Ye Seul, si G.O. na miyembro naman ng MBLAQ’s boy group.