Inamin at binunyag ng National Transportation Safety Board o NTSB na walang black box ang sinakyang helicopter ni Kobe Bryant, na bumagsak na naging dahilan ng pagkamatay ng player, anak na si Gigi at pitong iba pa.

“There wasn’t a black box and there isn’t a requirement to have a black box on this,” giit ni NTSB board member Homendy.

Pero kahit kulang sa kagamitan at masama ang panahon, binigyan pa rin ito ng permit na makalipad dahil sa mayroon umanong ‘special clearance by air’.

Lumilitaw na pilot error din ang nangyari sa insidente nang mag-panic umano ang piloto nang sabihan siya na dapat ay umangat ngunit bumaba ito mula 2000 feet pababa ng 1700 feet kaya ito tumama sa hillside at nag-crash landing.

Pahayag din ng seasoned helicopter pilot sa TMZ na hindi dapat nag-maintain ng bilis na 161 knotts ang chopper dahil may makapal na fog noong naganap ang pangyayari.

Payo rin ng ibang piloto, dapat ay umangat na lang ang helicopter imbes na bumaba upang i-clear ito sa makapal na ulap. (ADE)