CHR aminadong hirap sa vigilante killings

Inamin ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi nila maaksyunan ang lahat ng mga pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga partikular na mga kagagawan ng mga vigilantes, kaya nanawagan ang mga ito sa mga tao na makipagtulungan sa kanila.

Sa kanyang pagharap sa House committee on appropriations para idepensa sa kanilang P496.1 milyon na pondo sa 2017, sinabi ni CHR Chairman Chito Gaston, na hanggang 20% lamang sa mga vigilante killings ang kanilang kayang imbestigahan dahil sa kakulangan ng mga tao at pondo.

“We currently only­ able to respond to less than 20 percent to the cases­ because we only have 600 staff in CHR,” pahayag ni Gaston ukol sa mga vigi­lante killing na base sa ­report umano na kanilang natanggap ay umaabot na ang kaso sa 1,160.

Ginawa ni Gaston ang pahayag matapos magbabala sa pagdinig si House deputy minority Leader­ Lito Atienza ng Buhay party-list na kapag hindi­ epektibo­ ang CHR sa kanilang pagdepensa­ sa karapatang pantao ay manganganib ang ­demokrasya sa bansa.

“All we can rely on are what the police were able to give us unless witnesses­ come forward.

Our investigators are currently finding extremely difficult to receive more information,” pag-amin ni Gaston.