Panahon na, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na manimbang ang Commission on Human Rights (CHR) sa paglaban ng karapatan.
“May binalita na nurse ni-rape pinatay tapos drug addict ang suspect dapat kasi tingnan din ng ating mga kasama sa human rights. Halimbawa paano naman ang karapatan nu’ng nurse na pinatay? Paano ang karapatan ng lalakeng pinugutan ng ulo d’yan sa Bulacan?
Tingnan nila ‘yung mga karapatan nila hindi lang ‘yung karapatan ng mga namatay na kriminal kasi ganito lang kasimple ‘yan, ang Presidente natin kung papipiliin ka halimbawa mayroon kang 100 milyong piso na natitira sa pondo sa gobyerno and you can only spend the 100 million sa dalawang tao lang ang pagpipilian mo ‘yung isa ‘yung drug lord, drug pusher, ‘yung isa naman ay drug victim sino ang pipiliin mo?” ayon kay Andanar.
Binanggit pa ni Andanar na talagang malala na at maituturing na krisis ang problema sa iligal na droga.
Dinatnan na umano itong problema ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya naman desidido ang kasalukuyang gobyerno na wakasan at tapusin ang mga drug lords na nagpapakalat ng bawal na gamot sa Pilipinas.
Kung nagkakaroon man ng operasyon laban sa iligal na droga ay hindi umano ito na-follow-up nang mabuti ng nagdaang administrasyon at tila naging pabugsu-bugso na parang buhos ng ulan ang operasyon.
“The crisis ito po ‘yung sa illegal drugs and the crisis we call it our war against illegal drugs.
Itong giyera naman sa droga you have to take all the extra… use the extra powers of the President para masolusyunan, dahil ang tagal na pagkatapos dumating tayo sa puntong 3.7 million dahil nga… hindi naging priority siguro nu’ng mga nakaraang ano… naging priority man, pero siguro they lack the capacity,” pahayag pa ni Andanar.
alam na ng mga tao yan, ngayon nyo lang ipagmamagaling.