Pinagso-sorry kahapon ni Senador Richard Gordon ang Commission on Human Rights (CHR) dahil sa pahayag nito na hindi umano patas ang Senado partikular ang committee on justice and human rights sa isinagawang pagdinig sa isyu ng extrajudicial killings (EJK).
Dulot na rin ito sa naging desisyon kamakailan ng komite na huwag nang paharapin sa pagdinig si Edgar Matobato, ang self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) dahil na rin sa kanilang konklusiyon na puro kasinungalingan ang pinagsasabi nito.
Ayon kay Gordon, chairman ng komite, hindi niya matanggap na akusahan silang hindi patas o may kinikilingan o may pinagtatakpan kaugnay sa ginawa nitong pagdinig ukol sa EJK.
Isa umano itong malaking kasiraan sa integridad ng Senado.
Dahil dito, ayon kay Gordon, hangga’t hindi humingi ng paumanhin ang CHR ay wala siyang planong imbitahan ito sa pagpapatuloy ng kanilang pagdinig.
“Mag-apologize muna sila, Senado ito, 24 senators elected by the whole country. There are no extra powers except that we are representing the country. Kung babawasan mo ‘yung integridad ng Senado ba’t ka haharap dito kung wala ka namang tiwala sa amin,” giit pa ni Gordon.
Partikular na tinukoy ni Gordon na dapat mag-apologize ay si CHR commissioner Roberto Cadiz na tinawag pa ang senador na duwag dahil takot umano nitong pakinggan ang testimonya ni Matobato.
Ngayong araw itutuloy ng komite ang pagdinig sa EJK na kung saan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isasalang sa pagtatanong.
Okay ipagpalagay nating totoo na may patayan ngang nangyayari, Ang tanong sino ba itong mga pinapatay? Hayaan nalang ba natin na maglipana at mamayagpag ang mga adik at mga criminal sa ating lipunan? Hahayaan nalang ba natin na pati sa sariling nating tahanan ay hindi na tayo ligtas? at hahayaan nalang ba natin na pati ang ating mga anak na babae ay magagahasa at mapapatay sa mga pesting mga adik na yan?
(CHR), bakit tahimik kayo sa mga biktima nitong mga adik at mga criminal nato? may pinapasok ang bahay ninanakawan, ginagahasa, sinusunog, pati mga inosenteng bata pinapatay oh bakit kayo tahimik dito?
Pero bakit kapag ang mga criminal, mga adik at mga pusher ang tinotumba putak kayo ng putak mga buwakang ina nyo. Ang iniisip ng taong bayan sa inyo ay protektor kayo ng mga masasamang loob kaya naglipana at namamayagpag ang mga salot sa ating lipunan.
Nakakapanghinayang na pinasok kita Dick, wala ka rin palang yagbols katulad ng ibang kasama mo, mas bilib pa ako kay Madam Leila
Halatang halata naman na may kinikilingan si Gordon kaya ayaw nya na magtestigo si Matobato , Ayaw nila malamn ang katotohanan na nagkaroon ng EJK. Takot sila kay Matobato na mga isisiwalat. Gordon sayang binoto pa naman kita . Wala palang tibay na maasahan sa yo mabuti pa spartan na tsenelas ma aasahan.
Si Gordon ay isang abogado kaya alam niya kung nagsisinungaling ba si Matobato o hindi. Napakaraming inconsistencies sa mga pinagsasabi ni Matobato sa Senado.
Maliwanag naman na may kinikilingan itong si Gordon sa ginagawang hearing sa EJK. Ang testigo ni Matobato ay kanyang binubusalan. Ni hindi man lang binigyan ng immunity kumpara sa mga konbiktadong kriminal na ginawang testigo sa hearing ng Kongreso. Mas kapanipaniwala naman ang mga testimonia ni Matobatoa kesa sa mga testigo sa kongresoo na nagbabasa ng script. Kahit walang immunity si Matobato, hindi pa rin siya takot na magsalita laban sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. At bakit naman mag so sorry ang CHR sa pagpapahayag ng garapalang pagpapakita ng pagkiling sa amo nila?
Hindi po si Gordon ang nagbigay ng Immunity….
Kung binubusalan si Matobato eh di hindi siya dapat nakapag-testify. Ang problema kay Matobato ay mas marami sa mga sinasabi niya ang hindi tugma sa katotohanan.
si matobato ang may problema kung consistent yung pahayag nya at tama laht ng sinasabi nya .. kaso balibaliktad nmn lahat eh .. bat ka makikinig sa taong di mo alam kung totoo sinasabi ..