CHR umalma: ‘Wag i-deport OFW na bumabatikos kay Duterte

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang Duterte Administration na huwag ipa-deport mula sa Taiwan ang Pinoy caregiver na si Elanel Egot Ordidor dahil lamang sa mga social media post nito na tumutuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang pagpapadeport kay Ordidor dahil lamang sa paglalahad nito ng kanyang opinyon ay malinaw na paglabag sa Bill of Rights na ginagarantiya ng Saligang Batas.

Matatandaan na una nang sinabi ni Labor Attaché Fidel Macauyag na si Ordidor ay ipade-deport pabalik ng bansa mula sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Yunlin Country, Taiwan matapos itong kasuhan ng cyberlibel dahil na rin mga Facebook post nito na naglalayong maghasik ng tensyon sa harap na rin ng COVID-19 pandemic.

“We continue to remind the government that public service requires a higher tolerance for opinions and criticisms, especially when a democracy works best when there are healthy discourses on governance; thereby, allowing greater accountability from our public officials,” paliwanag ni de Guia.

Giit pa ni De Guia na dapat maging bukas ang pamahalaan sa mga kritisismo, ngayong nahaharap umano ang bansa sa isang publci emergencies ay hindi rin dapat na magpatupad ng mga restrictions sa paglalabas naman ng mga saloobin ng publiko.

“The government did say that certain rights can be restricted in the context of public emergencies.In the face of a pandemic which threatens almost every aspect of our life, we hope that the government, including its representatives here and abroad, can direct greater efforts in preserving the rights and dignity of Filipinos by finding ways to curb the transmission of the virus and cushion its impacts, especially to vulnerable sectors,” dagdag pa ni de Guia.

Sa panig ng Department of Labor and Employment (DOLE) sinabi ni Secretary Silvestre Bello na dadaan sa due process ang reklamo laban kay Ordidor.