Chris Evans babu sa ‘Captain America’

Pihikan sa babae ang Captain America hero na si Chris Evans­, 37. Marami ang nagsasabi na material boyfriend at husband ang actor. Sa lakaran, ang nakakasama ni Evans ay ang kanyang mahal na aso, si Dodger. Kahit sa mga video, ang kaharutan ng actor ay walang iba kundi ang kanyang beloved Dodger.

Walang pretty woman na ga­anong nali-link sa superhero. In real life pwede raw talaga siya ma­ging hero kung papasukin niya ang politics. Marami raw kasing idea ang actor para sa brighter future ng America.

Sa isang interbyu natanong ang Avengers: Infinity War actor – who is Chris Evans dating in 2018? Wala raw kasi silang mabalitaan na may dini-date ang actor. Ibig daw bang sabihin nito ay very much single ang Captain America star.

Walang sagot mula kay Evans kundi ngiti lang. Pero inamin niya na ang huli na naging karelasyon ay ang actress na si Jenny Slate. Dalawang beses silang nag-date, but sad to say, hindi raw nagwork-out ang kanilang relasyon.

Ang first date nila ni Slate ay nu’ng May 2016 at nag-break ng February 2017.

Sa interview ng People, sinabi ni Evans: “She’s my favorite human. She’s the best. I’ve never ever ever met someone in my life who has a mastery of the English language the way she does. She’ll give you one sentence and there’s no fat to it. You’re like, ‘You just chose such an unbelievable collection of words that beautifully articulate what you say.’”

Heto naman ang description ni Slate sa Vulture tungkol kay Evans: “What’s the same about us is not just that we’re from Massachusetts, which was such a delight, but Chris is truly one of the kindest people I’ve ever met, to the point where sometimes I would look at him and it would kind of break my heart. He’s really vulnerable, and he’s real­ly straightforward. He’s like primary colors. He has beautiful, big, strong emotions, and he’s really sure of them. It’s just wonderful to be around. His heart is probably golden-colored, if you could paint it.”

November 2017 ay nagkabalikan sina Evans at Slate ngunit hindi rin sila nagtagal at naghiwalay din pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan.

Samantala, kinuwento rin ni Evans na hindi na siya babalik bilang Captain Ame­rica after ng fourth Avengers film na ipalalabas sa 2019 kahit na raw naging blockbuster ang Avengers: Infi­nity Wars. Aniya: “Well, you know, my contract is over, so that’s as far as I know.”
2011 nang unang gawin ni Evans ang Captain America. Nalulungkot daw siyang iwan ang character na super hero when the day comes.

“I’ll miss every­thing about Captain America. I mean, it’s not just the character, it’s the people – the experience, such good movies, such wonderful me­mories. I’ll miss a lot,” malungkot na sabi ni Evans.