Chris ‘nasarapan’ kay Justin

Tinatluhan ni Justin Brownlee ng Ginebra ang Meralco sa PBA Governors Cup, pero ‘di pa rin sumusuko si Chris Newsome.

Gusto pa ring makaharap ng Bolts guard ang resident import ng Gins.

Segunda lang ang ganti, dahil gusto ni Newsome na napipiga ang kanyang skills laban sa mga de-kalibreng manlalarong tulad ni Brownlee.

“I had a good time with Justin Brownlee at the end of the game,” tanaw-balik ng guard-forward sa 105-93 win ng Ginebra nitong Biyernes para tapusin sa limang laro ang PBA Governors Cup Finals sa MOA Arena.

Sa huling apat na taon, tatlong beses nagbuno sa finals ng season-ending conference ang Meralco at Ginebra. ‘Di pinasi­ngit ng Gins ang Bolts.

Palitan sina Newsome at Bong Quinto sa pambubulabog kay Brownlee, kulang na lang ay sakyan nila ito pero walang epekto.

Pagtunog ng final buzzer ay binulungan ni Brownlee si Newsome.

“He was telling me, ‘Man, you’re an incre­dible player, you’re an incredible guy.’ It’s just unfortunate how things have to end,” bunyag ng playmaker.

Tinawag pa raw ni Brownlee na ‘limitless’ ang potensiyal ni Newsome.

Malaking bagay na ‘yun sa Fil-Am, pampataba rin ng puso.

“Even though I don’t win championships, they still see the hard work and the motivation and the drive,” panapos ng 29-year-old, 6-foot-2 cager.

“Hea­ring that from somebody like Justin Brownlee, it was heartfelt. I took it to heart.” (VE)