Maganda ang reviews ng opening weekend ng Jersey Boys.
Lumutang talaga sina Markki Stroem at si Nyoy Volante.
Kaya dapat more practice sina Christian Bautista at Nino Alejandro.
Sana, mas marami pang makapanood nitong magandang musicale na ito sa Meralco Theater sa susunod pang dalawang weekends.
***
PINAGTRIPAN ni Vice ang pagiging tungaw at bulol ni Joseph Marco sa guesting with Alex Gonzaga sa GGV.
Hindi kasi natural ang pagsasalita ni Joseph at parang may kendi sa bibig niya sa kanyang slang na pagsasalita.
***
#1 sa takilya ng North America last weekend (September 23-25) ang bagong bukas na The Magnificent Seven.
Tinatayang $35M ang opening weekend gross ng Western remake na pinagbidahan ni Denzel Washington.
***
Patuloy ang twists & turns sa panghapong Kapuso drama series na Sa Piling ni Nanay.
Magkakaayos na si Ysabel (Yasmien Kurdi) at dalagitang anak na si Katherine.
Syempre pa, magmamaldita lalo ang hitad na si Scarlet (Katrina Halili).
Hanggang saan ang mga pagsubok na pagdaraanan ng mag-inang Katherine at Ysabel?
***
Parang sobrang nalagas ang frontliners ng It’s Showtime.
Sabay-sabay nangawala ang kanilang hosts na may kani-kanilang raket.
Buti na lang, nakabalik na si Amy Perez sa kanyang pagkakasakit noong isang linggo.