Christian ligwak kay Martin sa gandang mujer

Nag-react ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa mga komento ng mga netizen na hamak na mas maganda siya kay Christian Bables kung sakaling na-ging mujer ito.

Si Martin kasi ang gumaganap sa papel ni Barbs na best friend ng character ni Trisha (Paolo Ballesteros) sa “Born Beautiful” na unang ginampanan ni Christian Bables sa “Die Beautiful”.

Bagama’t flattered sa paghaham-bing, wala raw namang dapat na maging kompetisyon sa kanila ni Christian Bables.
“Actually, napanood ko ang “Die Beautiful”. Magaling siya roon at deserving naman siyang manalo ng award,” aniya.
Ipinagtanggol din niya si Christian sa mga taong nang-iintriga sa kanila.

“In fairness kay Christian, iba naman kasi ang kuwento ng Die Beautiful dahil support lang siya roon. Dito kasi sa “Born Beautiful”, kuwento na siya ni Barbs at hindi ni Trisha at iyong journey niya sa paghahanap ng kanyang happiness,” depensa niya.

Sina Martin at Christian ay may common denominator. Pareho silang Urian award winning actor.

Nanalo si Martin ng kanyang unang Urian award for best supporting actor para sa pelikulang “Dagitab” noong 2015 samantalang si Christian ay nagwagi ng best suppor-ting actor para sa MMFF movie na “Die Beautiful” noong 2016.