NAG-PLASTER si Christian Bables sa nude scene niya sa pelikula ni Direk Chito Roño na Bagtik.

Ang buong akala namin ay nag-frontal si Christian sa nasabing indie film na kinunan sa Samar, ‘yun pala ay butt exposure lang.

Ang unang balita ay ‘yun ang requirement ni Direk Chito para sa bida ng nasabing pelikula, dapat ay willing itong mag-frontal.

Paglilinaw ng baguhang aktor na nagwa­ging Best Supporting Actor sa Gawad Urian (para sa role niya bilang Barbs sa Die Beautiful), hindi siya pinag-frontal ni Direk Chito, puwet lang ang ipi­nakita niya.

Pilyang hirit ni Tita Lolit Solis, baka nakita ni Direk Chito ang harapan ni Christian at hindi ito na-impress, kaya puwet na lang ang kinunan nito sa halip na ‘yung harapan.

Natatawang sagot ni Christian, paglabas niya ay naka-plaster na siya kaya walang nakakita ng harapan niya.

In fairness ay ‘yun lang daw ang kailangan sa eksena.

Buong ningning na sey ni Christian, kung hiningi ni Direk Chito na mag-frontal siya ay handa siyang gawin ‘yon.

Coming of age movie ang Bagtik kung saan binatang taga-Samar ang karakter ni Christian, na sa huling pagkikita nila ng nobya niyang pupunta na ng Maynila ay NAG-DO sila.

Natawa kami sa ginamit niyang term na ‘DO’ dahil ang luma. Bale first and last daw nila ‘yon ng PAGDU-DO kaya itinodo na niya.

Sa eksenang ‘yon naganap ang PAPUWET ni Christian.

Payag siyang maghubo’t hubad sa pelikula, pero depende sa istorya at director.

Ani Christian, umaapaw ang passion niya sa acting at nangyayari ito sa totoong buhay kaya handa siyang gawin.

Ang dinig ni Christian ay gustong ipasok ni Direk Chito sa MMFF 2017 ang Bagtik (o Signal Rock), pero depende pa kung isasali rin ang isa pang dinirek nito na Ghost Bride na kasama rin sa cast si Bables.

Magbibida si Christian sa TV series na Born Beautiful, spinoff ng critically-acclaimed transmovie na Die Beautiful.