Malakas ang dating ni DJ Christine Almaden.

Mabibistahan ang sample ng kanyang alindog sa isa sa post ni Christine sa kanyang Instagram account sa super hot niyang porma na sobrang pansinin ang malulusog niyang dibdib.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa ‘Pinas si Christine.

“I’m currently taking up Protection, Security and Investigation in Toronto,” sambit niya.

Nabanggit din ng dalaga ang kahulugan niya ng pagiging sexy.

“If I would be given a chance para mag-showbiz ulit I would accept it pero my priority for now is to finish my studies. For me, real sexiness is having self worth. It’s how you handle your self beyond your physical attributes.”

Sa nalalapit na Kapaskuhan, ang tulad ni Christine ang kailangan ng mga barakong nilalamig dahil walang partner. Kakaiba kasi ang init na hatid ng alindog ng dalagang ito. Sadyang pampainit sa Pasko ang kanyang kariktan.

Sure na sure na kung puwede lang humiling kay Santa Claus ang maraming red blooded boys, ang mga tulad ni Christine ang dream nilang maging laman ng kanilang malaking Christmas sock sa pagdating ng December 25. (Nonie Nicasio)