Iyan marahil ang paki­­­ramdam ng 128 stranded­ OFWs sa Saudi­ Arabia matapos na personal­ silang­ salubu­ngin­ ni ­Pangulong Rodrigo­ Duterte sa ­airport kahapon.

Eh sadya namang naka­tataba ng puso ang mga sinabi ng Pangulo tulad ng pagbibigay ng P5,000 sa bawat isa on top sa P26,000 na nauna nang ipinangako sa kanila ng Department of Labor and Employment. Kabilang sa siniguro ng ­Pangulo ang availability ng loan facility para sa mga OFW na nawalan­ ng t­rabaho sa Saudi dahil­ sa downsizing­ ng oil at construction companies doon.

Stranded

Ang malawakang tanggalan sa trabaho sa Saudi at sa iba pang oil-producing countries sa Middle East ay bunsod ng patuloy na pagbagsak­ ng presyo ng krudo at oil-based products sa ­pandaigdigang merkado.

Kung ilang buwan nang stranded ang may 11,000 OFWs sa Saudi at unti-unti na silang pinapauwi ng Pilipinas para sa mga hindi maihanap ng trabaho sa ibang kumpanya.

Para sa Usapang OFW, napakagandang gesture ang ginawa ng Pangulo dahil ang kanyang mga sinundan ay dedma lang halos sa hinaing ng mga OFW lalo na ang nakaraang administrasyon.

Negosyo

Hinikayat ng Pangulo­ ang umuwing OFWs na magtayo ng maliit na ­negosyo sa tulong pamahalaan.

“Makahihiram ka ng pera at makapag-start ka ng negosyo mo. Take ­advantage of it. It is for everybody,” anang Chief Executive.

At kung makaramdam ng gutom, sinabi ng ­Pangulo na welcome ang mga OFW na magtungo­ sa Malacañang. “If it spells hunger don’t hesitate­ to call me,” aniya.

Local jobs

Ngunit ang pinakamagandang sinabi ng Pangulo ay ang pagsasaayos ng ekonomiya na ginagawa ng kanyang administrasyon upang hindi na kailanganin pa ng mga Filipino na mangibang-bayan para magtrabaho.

“Maghintay-hintay lang kayo. Bigyan mo lang ako ng konting panahon, ayusin ko ang ekonomiya­ at may opportunit­y for you to work here,” aniya.

Matatandaan na pina­mamadali ng Pangulo ang repatriation ng iba pang OFWs na stranded sa Saudi.

Come follow Me on Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, email usapang_ofw@yahoo.com o kaya ay tumawag sa 551-5163. Let’s welcome the “ber” months folks.