Umaga ng Dec. 25, nagbukas si Kyrie Irving ng Chirstmas gifts kasama ang pamilya.

Kinagabihan, pinahaba niya ang laro sa pamamagitan ng clutch shot, tinapos niya ito ng dalawa pa sa overtime.

Nilista ni Irving ang anim sa kanyang 40 points sa OT, nagsalpak ng back-to-back 3s para akayin ang Boston mula five-point deficit tungo sa 121-114 panalo kontra Philadelphia Martes ng gabi.

“Just competition at the highest. I love going against the best. It’s not too often you get to do that in the regular season, especially on a holiday like Christmas,” lahad ni Irving. “I got to open presents with my family this morning then come into work. It was great.”

Bumitaw ng fadeaway jumper si Irving para itabla ang laro sa 108 may 20 seconds pa sa fourth quarter para makapu­wersa ng extra period.

Iniskor ng Sixers ang first five points ng OT, pero hindi napigilan si Irving.

Nagsalpak ang star guard ng 3-pointer 2:01 pa para iangat ang Boston 115-114, bumitaw ulit ng isa mula 30 feet 1:29 sa orasan bago kumapit ang Celtics hanggang dulo.

Umayuda ng tig-23 points sina Jayson Tatum at Marcus Smart sa Boston, may 10 points si Terry Rozier.

Namuno sa Sixers ang 34 points ni Joel Embiid na 12 of 12 sa free throws, humablot pa ng 16 rebounds. May 24 si Jimmy Butler, 17 kay JJ Redick at 11 points, 14 rebounds at 8 assists si Ben Simmons.

Kinuha ng Philadelphia ang unahan 114-112 sa dalawang freebies ni Simmons 2:15 pa, pero hindi na umiskor ang Sixers.

Pangalawang laro lang ito sa Christmas Day sapul noong 2004 na nadesisyunan sa overtime. Ang isa pa ay ang panalo ng Miami kontra New Orleans noong 2015. (VE)