Isang makabuluhang mensahe mula sa GMA Network ang laman ng Christmas Station ID ngayong taon na pinamagatang “Ipadama ang Puso ng Pasko” kunsaan ipapalabas ito ngayon sa “Sunday PinaSaya.”
Ang Kapuso Network ay pinagsama-sama ang mga Pilipino saanmang lupalop ng mundo upang maramdaman ang puso ng Pasko.
Sinisimbolo nito ang kahalagahan ng pagiging Kapuso, ilan sa mga tampok na eksena ay bayanihan sa paghahanda ng Give-A-Gift: Alay Sa Batang Pinoy Noche Buena packs sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF) Operations Center sa pangunguna ng founder nito na si Mel Tiangco; nilahukan din ng iba’t ibang personalidad ang mga outreach activity upang ipamahagi at magbigay-saya sa komunidad; at mga inspiring story kung paanong ang apat na dekadang TV program na “Kapwa Ko Mahal Ko” ay patuloy na humahaplos sa buhay ng bawat Pilipino.
Ang theme song na pinamagatang ‘Puso ng Pasko’ ay kinanta sa pangunguna nina Michael V, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Christian Bautista, Aicelle Santos, “The Clash” Grand Champion Golden Cañedo, at Julie Ann San Jose.