Sa pag-alis ni Greg Slaughter sa Ginebra at sa PBA, marami nang nabubuong espekulasyon ang mga fan sa posibleng naging dahilan ng pagpapahinga ng basketbolista sa liga.

Una rito ay ang posibilidad na ma-trade si ‘Gregzilla’, na matunog na piyesa para makuha sa NorthPort si Christian Standhardinger.

Isa pa sa tinitingnang anggulo ay ang posibleng hindi pagkakaayos nito sa isang opisyal ng Barangay Ginebra San Miguel.

At tingin ng mga netizen, si San Miguel Copr sports director/BGSM board representative/team manager Alfrancis ‘Chualay’ Chua ang isa sa posibleng hindi nakapalagayan ni Slaughter.

Sa Instagram post ng 31-year old baller, pinasa­lamatan niya ang mga top official ng SMC, kasama ang CEO at president na si Ramon S. Ang, pati si Ginebra coach Tim Cone.

Ngunit kapansin-pansin na wala ang pangalan ni Chua sa pinasalamatan ni Slaughter, na kinabahala ng mga fan.

“Bakit kaya wala sa special mention niya si Alfrancis Chua?? Pansin ko lang haha,” ayon kay @loyalsaanim.

Kung titingnan, si Chua ang isa sa mga may malaking impluwensya pagdating sa mga desisyon ng Ginebra management, na nang nagkampeon ang Ginebra sa 2019 PBA Governor’s Cup nito lang Enero ay nilahad ni Cone na ito ang naging instrumento para mapapunta si Stanley Pringle sa koponan.

Sa tweet naman ni sports insider Snow Badua, tingin niya’y may meaning ang pagkakawala ng pangalan ni Chua sa mga pinasalamatan ni Slaughter.

“With Greg failing to mention (intentionally or untintentionally) Alfrancis Chua in his message—-that says a lot to this explosive development. I just hope Greg won’t burn any bridge between him and SMC.

I wish him luck. Again for the fans of Ginebra, stop hating. Accept it — Snow Badua (@snowbadua) February 8, 2020. (Raymark Patriarca)