Pinangalanan na ang sikat na South Korean singer na ang staff ay positive sa covid-19. Ito ay may kaugnayan sa blind item namin kahapon.

Si Chungha ang agad na naisip ng mga netizen dahil kagagaling nito ng Italy. Naka-schedule rin siya na mag-release ng comeback album.

Kahapon, March 1 naglabas na ng statement ang kanyang agency na MNH Entertainment. Kinumpirma nito na positive sa covid-19 ang kanyang staff. Bukod dito, isa pang tauhan ng kanyang agency ang nag-positive rin sa covid-19.

Nag-undergo na rin ng test si Chungha at negative naman ang naging result nito. But the same, katulad ng mga staff na nag-positive sa kinatatakutang virus ngayon globally, magse-self-isolation o quarantine pa rin si Chungha.

Part of the official statement of MNH Entertainment, “Based on the results of the test, they will go into self-isolation as requested by Korea Centers for Disease Control and Prevention.

“For the sake of safety, all scheduled activities have been canceled for the time being, and we will continue to take the best possible measures and deal with [the virus] faithfully.

“We thank everyone working hard to combat the virus, and we will do our best to protect our safety and health from COVID-19.”

Drama ni Kim Tae Hee apektado sa Covid-19

Ang comeback drama ng South Korean actress na si Kim Tae Hee sa tvN, ang “Hi, Bye, Mama” ay pansamantalang tumigil muna sa filming o taping.

Nakaka- 4 ba episodes pa lang ito na umeere. Ang dahilan, may isang staff daw na nagpapakita ng symptom ng covid-19.

Kung sakali at negative naman daw ang staff sa result, balik filming sila. Pero kung positibo ito sa novel coronavirus, posibleng mahirapan na mag-resume ang drama dahil lahat sa staff, cast & crew ay required na magpa-quarantine.