Chynna, bagong kontrabida sa buhay ni Sunshine

PASOK na nga si Zoren Legaspi sa Ika-6 Na Utos. Siya ang gaganap na si Lyon, isang mayamang hotelier na nag-ampon kay Chelsea na inaakala ni Sunshine Dizon (Emma) na anak niya.

Eh, nasa Ika-6 Na Utos na rin si Chynna Ortaleza bilang ex-girlfriend naman ni Zoren. So base sa takbo ng kuwento, magtataka pa ba kami kung tatlo na ang kalaban ni Sunshine sa serye?

Bukod kina Ryza Cenon, Angelika dela Cruz, hayan at may Chynna pa nga. Hindi pa man, ‘di na rin kami magugulat kung magkakagusto si Zoren kay Sunshine sa serye.

Hindi naman siguro reincarnation si Zoren ng cha­racter ni Mike Tan, ‘di ba? Hahaha!

Anyway, wala na… talagang mahirap na yatang tapatan ang Ika-6 Na Utos na hanggang ngayon ay consistent number one sa ratings mula Monday hanggang Saturday timeslot nito.