NAIKUWENTO ni Chynna Ortaleza ang isang beses na nakita ng anak na si Stellar ang costume niya bilang Rashana ng Mulawin vs. Ravena.

Pagkauwi niya ga­ling sa storycon nito ay na­kabihis pa rin siya ng costume at sinalubong siya ng anak.

Nang hindi makilala ni Stellar ang ina ay umiyak ito dahil sa takot.

Natatawa man si Chynna ay nag-alala rin siya sa naramdaman ng anak.

Dagdag ni Chynna, nahihirapan siya tuwing mawawalay sa unica hija, at naisip na dalhin sa taping.

Pero naisip niyang baka lalong matakot ang anak dahil sa mga makikitang costumes.
Ang Mulawin vs. Ravena ang unang proyekto ni Chynna matapos manganak.