Chynna, wagi sa baklaan

Chynna Ortaleza

Thankful si Chynna Ortaleza dahil sunud-­sunod ang projects niya matapos niyang ipanganak si Stellar.

Nakasama siya sa Mulawin vs. Ravena at naging host pa ng Idol Sa Kusina.

Post niya sa Instagram, “My pagod is strong but my bayarin is stronger.”

Bonggacious!

Hardworking mom si Chynna pero nagagawa pa rin niyang maka-bonding ang anak na si Stellar.

Sa Linggo, may ba­gong raket si Chynna. Bida siya sa Dear Uge kasama sina Ashley Rivera at Jackie Rice.

Gaganap sila ­bilang magkakaibigang TRANSGENDER WOMEN na magkakasiraan.

Wagi ang kanilang baklaan sa Dear Uge sa Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

***

UMAATIKABO ang kabugan ng Pinoy bikini boys bukas ng gabi.

Andiyan ang b-day show ni Bembem Kho (0929-858-2390) na On Top 3 bukas ng 9:00 PM sa The Music Hall, Metrowalk, Meralco Av., Pasig City.

19 ang contestants dito, at may 15 panau­hing modelo na mga alaga ni Bembem.
Ang tiket ay P500.

‘Di ba, Choko Batok at Unyang de Santa Maria?

Ang b-day presentation ni Maecy Codamon (0935-145-3859) na Maskara King 2 ay bukas din ng 9:00 PM sa One 690, Lot 39 Roces Av., Quezon City (tapat ng Amoranto Sports Complex).

24 ang contenders dito, at 13 ang mga mo­delo na guests.

Ang tiket ay P300 at P500.

Katuwang dito ni Amazing Maecy si Shobi Dionela.

***

ALEXANDER
ALEXANDER

Matagal na sa industriya si Alexander Lee pero ngayon lang daw niya naramdamang isa na siyang ganap na aktor.

Noong nasa Korea pa ay naka-focus siya sa boy group na U-KISS kaya hindi siya masyadong makaarte.

Ngayon sa My Korean Jagiya, mas nakatutok siya sa pagiging aktor at nagpapasalamat siya dahil matulungin sa kanya ang buong cast at crew.

“This is a very good start. Because before with U-KISS, I only had a bit of acting but finally, now, I get to really experience this, and I’m loving it,” sabi pa ni Alexander.

***

Napasama ang Haplos ni Sanya Lopez sa top 10 most buzzed-about new shows worldwide nitong July, ayon sa isang New York-based international media business website.

Pangwalo ito sa WorldScreen.com’s Social Wit List at natatanging Filipino show na nakapasok dito.

Kahilera ng Haplos ang American TV shows gaya ng Raven’s Home, Earth Live! at Phelps vs. Shark.
Wow!