AYAW nang magkomento ng mga taga-Eat Bulaga tungkol sa pagpapatawag sa kanila ng MTRCB kaugnay sa sinasabing ‘victim blaming’ ni Sen. Tito Sotto sa babaeng nakausap nila nina Jose Manalo & Wally Bayola sa ‘Juan for All’ segment ng noontime show.
Nag-react ang netizens na sinisi pa ni Tito Sen ang pagsuot ng shorts ng babaeng iyun nang nakipag-inuman sa kalalakihan at nabastos siya.
Nang napanood namin ang naturang episode, naramdaman namin ang concern ni Tito Sen kaya nasabi niya iyun.
Natural ang reaksyon na kaya nabastos ang babaeng iyun, eh kababaeng tao, may asawa, nakipag-inuman sa kalalakihan at naka-shorts pa ito.
Sabi ng senador nang hiningan ito ng sagot sa pang-aalipusta sa kanya ng netizens, “It was a simple reaction saying that a married lady should not be out at night having shots (or drinking) with men other than her husband.
“Talagang mapapagbintangan ka. What’s wrong with that?”
Nakarating ito sa MTRCB kaya nagpadala sila ng summon sa Eat Bulaga para makipag-dialogue sa kanila kaugnay sa isyung gender-sensitivity.
Okay lang kay Tito Sen ang hakbang na iyun ng MTRCB, pero hindi raw kasi siya aware na meron palang summon na ipinadala.
Ayaw na lang ng mga taga-Eat Bulaga na magbigay pa ng komento, pero kailangan nilang dumalo sa dialogue na naka-schedule sa July 21.
Patuloy pa ring binabatikos ng ilang netizens si Tito Sen, kaya ang anak niya mismong si Ciara Sotto ang nag-react.
Nag-post si Ciara ng mensahe sa Instagram, “Judging someone, calling them names and creating foul illustrations of a person is the lowest form of being KSP.
“You don’t know my father and can believe what you choose to. I thank the Lord and bask in the fact that 16M Filipino voters don’t share your opinions of him.”
Marami ang nag-agree sa post na iyun ni Ciara.