Abie Nuval Cocolife
Sabog ang buhangin ng SM By the Bay pagsadsad ni Abie Nuval (1) ng Cocolife sa match nila ng Petron Sprint 4-T sa Belo PSL Beach Volleyball Challenge Cup kahapon. (Jhay Jalbuna)

Naigapang ng Cignal HD-B ang pahirapang 25-10, 24-26, 15-10 panalo laban sa F2 Logistics-B para paypayan ang tsansa sa 2017 Belo Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup sa SM By the Bay sa Mall of Asia kahapon.

Binuhos nina HD Spikers pair Mylene Paat at Janine Marciano ang lakas sa third set para silatin ang Cargo Movers duo nina Aby Maraño at Cha Cruz para dumikit sa quarters ng torneo na suportado ng Stoked, Mikasa, Senoh, Mizuno, Rebisco at SM By the Bay.

Si Paat ang namahala sa depensa sa net, umatake naman si Marciano para kumalas mula 3-3 tungo sa 11-5 lead.

“Nu’ng third set, nag-usap talaga kami. Iniisip namin na simula ulit kami kaya sinubukan namin na i-lessen ang errors namin,” ani Marciano.