Pinupog ng Cignal HD ang Centro Escolar University, 79-69 sa Game 2 upang sikwatin ang titulo ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Dahil sa panalo na-sweep ng Hawkeyes ang best-of-three series at maging pangatlong team na sumilo ng back-to-back titles.
Nakapagtala ng championship double ang teams na NLEX at Phoenix.
Kumana si Oping Sumalinog ng 13 points para sa Hawkeyes na hinablot ang korona na wala ang kanilang pambatong big man na si Conference MVP Raymar Jose.
Tumikada rin si Harold Arboleda ng 13 markers may 11 pts. si Jonathan Uyloan na sinalpak ang panelyong tres may 7:20 minuto pa sa orasan.
Inukit naman ni coach Boyet Fernandez ang winningest coach sa nasabing tournament matapos hablutin ang eighth championship.
“Coming in we got some guys who had to adjust to the system. It’s really the effort of the players to win the championship,” ani Fernandez. “It’s really sweet kasi pinaghirapan talaga.”
Tumipa si Rod Ebondo ng 20 puntos siyam na rebounds at apat na blocks para sa Scorpions.