Lumapit sa championship round ang Cignal at Mega Builders nang ipanalo ang magkahiwalay na laro sa simula ng semifinals kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference men’s division sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Pinaluhod ng HD Spikers ang Sta. Elena Wrecking Balls 25-16, 25-16, 20-25, 25-18 sa unang pares ng best-of-three series.
Tumikada si skipper Ysay Marasigan ng 17 points para sa Cignal, nagtala sina Rex Intal at Lorenzo Capate ng tig-13 at may 10 si Peter Torres.
Kumayod si Isaah Arda ng 13 markers para sa Sta. Elena.
Tinalbos naman ng Mega Builders ang Air Force 19-25, 16-25, 25-20, 26-24, 15-10.
Naglista si Bryan Bagunas ng 20 points sa Volley Bolt.
Susubukang tapusin ng Cignal at Mega Builders ang serye ngayong araw, pero sakaling may Game 3 ay ilalaro sa Miyerkules.