CIGNAL-SAN BEDA BIDA SA PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP

Nagtulong sa clutch sina Jayvee Mocon at ­Robert Bolick upang akbayan ang Cignal-San Beda sa 81-78 panalo kontra Racal at sikwatin ang titulo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena.

Kumana si Mocon ng 11 sa kanyang 25 points sa endgame para ilagay ang Hawkeyes sa unahan, 79-73 may dalawang minuto na lang sa fourth period.

May huling kikig ang Tile Masters, sinalpak ni Jackson Corpuz ang dalawang libreng tira sa foul line upang tapyasin ang hinahabol sa isang puntos, 78-79 may 36.3 segundo na lang sa orasan.

Hindi naman kinabog ang dibdib ni Bolick, swak ang kanyang free throws para sa final score.

May tsansang makahirit ng overtime game ang ­Racal pero nagmintis si Rey Nambatac sa tres.

Nirehistro ni Jason Perkins ang 21 puntos habang may 14 pts., pitong rebounds at apat na assists si Bolick.

Tabla ang iskor sa 68-all, 6:11 minuto pa sa payoff period, dito gumalaw si Mocon sinolo ang 11-6 run para sa Cignal.

“I still believe on our team work. If not for the boys, we’ll not win this one. We didn’t give up,” saad ni Cignal coach Boyet Fernandez.

Nagtala si Corpuz ng 24 points at siyam na ­rebounds habang may kinana si Joseph Gabayni na 18 points, nine boards at limang blocks para sa Tile Masters.

Mga iskor:

Cignal 81 – Mocon 25, Perkins 21, Bolick 14, Raymundo 13, Batino 4, Villarias 2, Bringas 0, Potts 0, Arboleda 0, Oftana 0

Racal 77 – Corpuz 24, Gabayni 18, Capacio 12, Nambatac 8, Torres 8, Salado 4, Onwubere 2, Mangahas 2, Gabawan 0, Cabrera 0, Flores 0, Terso 0

Quarterscores: 15-23; 35-43; 59-60; 81-78.