Walang kupas ang kagandahan at kaseksihan ng 2013 Bb. Pilipinas Tourism na si Cindy Miranda.
Makikipagtagisan siya kay Cristine Reyes sa pelikulang “Maria.” Showing ito sa March 27.
Gumanap siyang kampon ni Ivan Padilla na gustong patayin si Cristine bilang Maria.
Hindi naman siya nagpakabog pagdating sa kaastigan sa action sa nasabing pelikula.
Nakilala si Cindy bilang co-host ni Willie Revillame sa “Wil Time Big Time.”
Naging leading lady rin siya ng multi-awarded Korean actor na si Kwak Do Won sa action-comedy movie na “Package Golden Holiday.”
Naging vampire girl din si Cindy ni Richard Gutierrez sa seryeng “La Luna Sangre.”