Malugod na nag-aanyaya ang mga Saksi ni Jehova na kaugnay sa Bulacan Circuit No. 3 sa kanilang idaraos na Circuit Assembly na gaganapin sa darating na Sabado, Enero 5, 2019.
Ang tema ng Asemblia na salig sa Josue 1:9 ay “MAGING MALAKAS!”. Tatalakayin sa Asemblia kung saan tayo makakakuha ng lakas at kung paano natin patuloy na mapalalakas ang pananampalataya natin. Ang main talk of the Assembly na mapapakinggan sa hapon ay may temang “Tumayo Kayong Matatag sa Pananampalataya… Magpakalakas Kayo”.
Ito ay gaganapin sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 1140 Quirino Hi-way, Novaliches, Quezon City. Magsisimula ang programa alas-9:10 nang umaga at magtatapos ng alas-3:25 nang hapon. Hindi lamang po ang mga Saksi ni Jehova ang inaanyayahang dumalo kundi maging ang publiko o mga taong interesado.
Libre ang pagpasok at walang gagawing anumang pangongolekta sa mga dadalo.