Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na hindi isinusuko ng Pilipinas ang sovereignty at sovereign rights sa mga isla sa South China Sea.

“The Philippines and China are committed to peaceful resolutions to socio-economic, and political challenges, and the recently concluded meet on the Bilateral Consultation Mechanism is one platform for confidence-building measures, to address issues pertaining to the South China Sea,” paglilinaw ni Presi­dential Spokesperson Ernesto Abella kaugnay sa usapin sa territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyang-diin pa ni Abella na una at panghuling prayoridad umano ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay ang pambansang interes at ang kapakanan ng bawat mamamayang Filipino.

Nilinaw din ni Abella na ang nasabing mga isyu ay isusulong na ang konteksto ay pagpapanatili sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

One Response