Clarkson join sa Floyd murder rally

Isa si Fil-Am NBA player Jordan Clarkson sa mga sumama sa protesta dahil sa pagkamatay ni George Floyd sa kamay ng pulis sa Minneapolis.

Sa Instagram post niya, makikitang nakasuot ang dating Gilas Pilipinas cager ng mask habang naglalakad kasama ang mga raliyista sa Los Angeles, Sabado ng gabi.

Bukod sa Utah Jazz guard, nasa protestya rin ang NBA free agent na si JR Smith.

Maraming NBA star ang nagsasalita sa pagkamatay ni Floyd, na isang black man. Kabilang sina four-time MVP LeBron James ng Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves big man Karl Anthony-Towns.

Nasawi si Floyd nang tuhudin ni police officer Derek Chauvin ang leeg ng black American dahil pumapalag umano ito sa aresto. (Raymark Patriarca)