Clarkson lucky charm ng Jazz

CLARKSON LUCKY CHARM NG JAZZ

Mukhang si Fil-Am Jordan Clarkson ang bagong buwenas sa bakuran ng Utah Jazz sa 74th National Basketball Association 2019-2020 regular season game.

Sapul nang ma-trade kay Dante Exeum at dalawang future second round picks sa Cleveland Cavaliers nito lang Disyembre, nananagasa ang ang Utah, kabilang ang nitong Martes, na pinaspasang ibinaon ang Brooklyn Nets sa New York, 118-10.

Mula opening tipoff ay 8 of 12 sa field ang Jazz, sinabayan ng 7 of 10 ng Nets.

Pero nang humupa ang usok, gumana ang depensa ng Utah para itakbo ang kumbinsidong panalo.

Sa likod ng career high-tying 27 points ni Joe Ingles at 22 points, 18 rebounds ni Rudy Gay, at 13 markers ni Clarkson, pinahaba pa ng Jazz ang winning streak sa 10 games.

Balik mula one-game absence si Donovan Mitchell para umiskor ng 25, 14 dito sa fourth quarter, para sa Utah. May 18 markers pa si Bojan Bogdanovic.

Dumistansiya ng hanggang 20 ang Jazz bago sinopla ang bawat tangkang balik ng Brooklyn. Isa pa lang ang talo ng Utah sa huling 16 games.

Maagang naputol ang dalawang sunod na panalo ng Nets sa kabila ng 32 points at season-high 11 assists ni Kyrie Irving sa pangalawa niyang laro mula shoulder injury. Nag-ambag ng 17 points si Spencer Dinwiddie.

Hindi napigil ng Nets ang dausdos ni Gobert sa loob, maging ang outside shooters ng Jazz. Si Ingles lang ay 6 for 8 sa labas ng arc at 10 of 14 overall.

Apat na 3s ang ibinaon ng Jazz sa first 4 minutes ng second half, huli galing kay Ingles tungo sa 76-55 lead.

Tinapyas ng Brooklyn sa walo sa kalagitnaan ng fourth, pero nakumpleto ni Gobert ang three-point play na sinundan ng 3 ni Mitchell para ilayo muli sa 105-91. (VE)