grabe siya!
Kahit si Jordan Clarkson, napaatras sa clothesline ni Calvin Abueva sa dating National Basketball Association player at ngayo’y TNT KaTropa import Terrence Jones.
Nag-post ang The Score sa kanilang Ins-tagram account kahapon sa pananakit ng Phoenix Pulse forward kay Jones, at isa si Clarkson sa nag-comment sa ginawa ni Abueva.
“Hahahhaha they going that hard,” saad ng Fil-Am NBA guard ng Cleveland Cavaliers at nakailang laro na sa Gilas Pilipinas.
Indefinite suspended ang Fuel Masters player sa pangyayari, multado pa ng P70,000. Di pa batid kung kailan muling makakatapak sa PBA court.
Ang P50K ay sa pananakit niya kay Jones nitong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo sa Commissioner’s Cup eliminations game kung saan wagi ang Phoenix sa Blackwater 103-98.
Nakatawan ang P20k ay sa verbal altercation at obscene gestures sa isang fan, sa insidente ay si Maika Rivera na dyowa ni Elite rookie Bobby Ray Parks Jr. noong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay na rito’y natambakan ang team ni Abueva ng Texters, 114-88.
“Former Rockets player Terrence Jones hits opponent in the groin then gets clotheslined and they have a dance-off?” tweet ng The Score na umani na ng g 445.181 views habang sinusulat ito.
Nag-reaksyon ang isang netizen na si matt_barnes9, “Somene close line me there’s no fuckin way they leaving the arena w/o a fight. I’m standing at the door of the bus waiting on that fade.” (Ray Mark Patriarca)