Binigyan ng Sports5 ng kailangang tulong ang Philippine volleyball.
Kinumpirma kahapon ng country’s leading sports network ang pagsasaere ng final leg ng nationwide tryouts na tinawag na ‘Clash of Heroes’ sa Lunes, May 15, sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Masasaksihan ang men’s match ng fund-raising project na nasa pakikipagtulungan ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. at mga suportado ng Philippine Sports Commission at UCPB Gen insurance, via livestream sa Sports5.ph simula ika-4 ng hapon habang mapapanood ang women’s match sa TV5 sa 7 p.m.
Tiwala si Sports5 head Patricia B. Hizon sa potensyal ng volleyball at batid niya na kailangan lang itong ma-expose para makabalik sa dating glorya.
“We in Sports5 have been very supportive of volleyball,” giit ni Hizon, na ang network ang nagkober din sa Philippine Super Liga.
“We know the sport has a very good potential to produce medals in major international tournaments.