Classmate ko nalinya sa iligal na droga

Hi sa mga followers ng Kapitbahay. I have tsismis about my classmate, itago na lang natin siya sa name na Ike. Irregular student, matagal na dito sa university­ pero di pa rin guma-graduate.

Paano gaga-graduate eh di naman pag-aaral ang inaatupag niya, kundi illegal business. Alam n’yo po ba kung ano? Nagbebenta laang naman siya ng illegal drugs sa mga estudyante dito.

Ang tsismis, before ay marijuana lang ang binibenta ni Ike, kasi mas affordable ito sa mga estudyante. Yung marijuana niya, nanggaling pa ng Sagada kung saan may kontak siyang seller doon.

Dito sa Recto sa mga tambayan ng mga estud­yante siya madalas umiikot. Sa mga bilyaran at bar siya madalas nakakabenta kaya patok ang business niya.
Hindi naman siya nahuhuli ng mga pulis eh kasi meron palang siyang mga kaibigang pulis na nagti­timbre sa kanya. Bale mga business partner pala itong pulis kaya tuluy-tuloy lang ang operation nila.

Dahil maraming nang kontak si Ike na mga estud­yante, mula sa marijuana, isinununod na niya ang pagbebenta ng shabu. Pati-tingi lang, pa isa isang gramo lang hanggang sa lumaki.

Dito na siya kumita ng malaki kaya naman me­ron na siyang car ngayon. Kaya nga pasulput-sulpot na lang siya sa klase namin kasi sobrang busy sa pagbebenta.

At dahil marami na siyang buyers, nire-recruit niya ‘yung classmate si Jude, na isang addict na rin ngayon na tulungan siya sa kanyang negosyo. Eh mukhang kakagat si Jude, malaki raw kasi ang kita.

Kaya dito sa campus, marami ng addict dito. At ang source, wala ng iba kundi si Ike. Sayang si Ike, matalino pa naman, kaya lang iba ang gusto buhay, easy money ang gusto niya. Di ako magtataka kung isang araw, mabuking ang illegal business ito.

Salamat at nai-share ko rin ang modus ni classmate na matagal ko nang kinikimkim.

Celso of Pasay