SWABE ang sagot ni Gretchen Barretto sa tanong ng isang netizen tungkol sa pamangkin niyang si Claudia Baretto (anak ni Marjorie kay Dennis Padilla).
Sa isang Instagram post ni Gretchen kung saan lumalakad-lakad siya sa isang first class lounge sa airport ay may nagtanong sa kanya kung napanood niya ang isang interview kay Claudia kung saan tinawag siya nitong SOMEONE ELSE.
Ang walang kagatul-gatol na sagot dito ni Greta ay, “The someone else (me) that Claudia is referring to happen to give her a safe home for a few good years until her Tita Claudine too over (put her to school), gave her a comfortable life until RECOM ECHIVERRI CAME along and sends her to school & nice home.
“I pray that Claudia will not call Recom Echiverri someone else someday.”
Sa sumunod na post ni Gretchen na rumarampa ito ala-model sa airport lounge ay humirit ulit ang nasabing netizen tungkol sa interview ni Claudia na ‘someone else’ ang tawag nito kay Greta.
Sagot ng love ni Mr. Tonyboy Cojuangco, “She must be suffering with AMNESIA. I’m not surprised. Very UNGRATEFUL CHILD. Not only to me but also to Claudine…”
Napanood namin ang nasabing interview sa YouTube at kaswal na natanong ang bagong recording artist na si Claudia kung handa ba siyang maikumpara sa kanyang Tita Gretchen na nag-record din ng album noon.
Sagot ng 17-anyos na bagets, “I think we’re very different naman, like our songs and our voice. I think it’s different.
“So, I don’t mind. I mean, it’s nice to know that someone else actually sings.”
Nakangiti si Claudia at sweet ang pagkakasagot niya ng nasabing tanong, so hindi siya mukhang nagtataray o anuman.
Hindi niya lang binanggit ang name ng kanyang Tita Gretchen at sa halip ay ‘someone else’ ang sinabi niya, pero in all fairness ay parang walang masamang intensyon ang dalagita sa sagot niya.
Mukhang malabong sumagot ang younger sister ni Julia sa ‘may amnesia’ at ‘ungrateful’ na pasaring ni Greta.
Baka si Marjorie ang magtanggol sa kanyang anak.
At baka meron ding gustong sabihin si Marj tungkol kay Recom Echiverri, wait na lang natin sa social media.
And the neverending BARRETTO SAGA continues…
Kailangan yatang intindihing mabuti yung statement ng bata. Wala naman masama sa sinagot, nilagyan lang malisya yung sinabe ng bata.
Huwag siyang magpakaplastic na kesyo ginagatungan daw ng writers ang mga celebrities na to. Na kunwari ay asar sa mga froglet na tabloid writers. Haha
Unang-una, walang isusulat kung walang magsasalita ng pakontrobersyal.
Pangalawa, walang gagatungan kung walang magpapagatong.
Pangatlo, walang manunulat kung walang mambabasa kagaya ng plastic sa baba!
Pang-apat, masayang-masaya ka naman kapag may ganitong intriga.
Pang-lima, pinakamurang form of entertainment ang magbasa ng chismis. Nakakapag-participate ka pa (Oo ikaw sa baba) sa pagko-comment ng matino, kaplastikan (Oo ikaw), kabaliwan, kaartehan, kabobohan (Oo ikaw ulit).
Ako? Maarte. Matino (minsan). Baliw (palagi). Pero di ako bobo at plastic gaya mo!
Fiesta mode na naman kayong mga froglet na tabloid writers kung may word war na naman ang mga Barrettos dahil sa kagagatung ninyo.