HAVEY: Nabalita ang parunggit ni Claudine Barretto ng ‘deadmeat dad’ kay Raymart Santiago nang hindi ito nakadalaw sa anak pagkatapos manawagan ni Clau ng dasal para sa mabilis na paggaling ng kanyang anak.

Knowing Raymart, iwas-gulo na lang ‘yan at may kakaibang pagpapakita na lang ‘yan ng suporta sa anak niya na malayo sa mata ng publiko.

May pinanggalingan pa rin kasing gulo ito na away-bata na lumaki sa social media kaya iwas na rin siguro ang mga tao sa pagko-comment dito dahil ang lakas maka-nega.

Sana, mag-concentrate na lang sa good vibes at magagandang balita tulad ng pinaplanong pelikula nina Claudine Barretto and Aga Muhlach under Viva Films.

Aga Mulach
Aga Mulach

Isang family drama ang pinaplano nilang gawin kaiba sa nagawa na nilang Kailangan Kita at Dubai.

Siyempre, hindi agad-agad kukunan ang pelikula.

Mayroon pang oras para magpapayat ang mga bida ­habang ­binubuo ng Viva kasama ng direktor nito na si Nuel Naval ang kuwento, produksyon at cast.

***

WALEY: Pagkatapos manalo ng Miss Universe title noong 1994, babalik sa bansa si Sushmita Sen ng India para maging judge sa 65th Miss Universe na gaganapin sa MOA Arena.

Si Sushmita ay isa nang Hollywood actress at nagmamay-ari ng franchise ng pageant na nagpapadala ng kandidata ng India sa international competitions.

Post ni Sushmita sa social media, “Life comes a full circle, from winning Miss Universe to having owned its Indian franchise to now… returning back to Manila this time as a judge at the 65th Miss Universe pageant.

“To all my Filipino friends who have been ­graciously asking, I can now confirm. Yes! I am ­coming! Mahal kita Philippines. See you soon!” sabi ni Sushmita.

In another development, maganda rin ang ­timing ng pagdating ni Dayanara Torres dahil maliban sa Miss Universe (na sana, abutin niya) ay ­dadalo siya sa kick-off ng 22nd anniversary ng ASAP sa ­February 5.

I have personally spent a lot of Sundays with Yari (tawag kay Dayanara) noong nasa ASAP kami. ­Excited kami na magkaroon ng reunion with her at the same day that Martin is celebrating his birthday!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iam­noelferrer.