Claudine, Carmina & Jodi, kinabog ni Juday

Juday, Lucho, Ryan at Yohan

HAVEY: Naganap ang 6th birthday celebration ni Lucho Agoncillo noong Sabado sa Function Room 1 ng SMX SM Aura.

Bandang 3:30 PM ang registration para sa Team Lucho at Team Yohan.

Nagsimula ang celebration with the Welcome Remarks ng Panatag Mom na si Judy Ann Santos.

Sumunod ang games na kitang-kita ang pagka-career ni Juday at ni Lucho na parang nasusian at bigay na bigay sa pagsasayaw at pagnew-newspaper dance.

Sa paggiling ni Juday, parang all-out na rin siya sa pagbabawas timbang.

Bandang 5:00 PM ang blowing of the candles at pagkanta ng Happy Birthday para kay Lucho.

Nandu’n na ang buong pamilya — si Juday, Yohan, Lucho, Luna at Ryan Agoncillo na tumuloy na roon pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ang biruan doon ay kung gaano kahusay si Ryan na sumayaw at mag-project nang naka-high heels na kagagawa lang niya sa kanyang prog­rama.

Sinundan na ito ng merienda at balloon twis­ting demo sa stage area at ng Unveiling of Future Park Games mula sa kanilang milk sponsor.

Si Juday na yata ang pinakamatagal at epektibo nitong endorser after niyang palitaan na mag-isa sina Claudine Barretto, Carmina Villaroel at Jodi Sta. Maria bilang Panatag Moms more than 6 years ago.

***

WALEY: Nagkaroon na ng official announcement tungkol sa mga natanggap na cast members ng Miss Saigon sa Broadway na kinabibilangan nina Jon Jon Briones (engineer), Eva Noblezada (Kim), Rachelle Ann Go (Gigi) at Devin Ilaw (Thuy).

Marami ang nagtatanong, ano na ang nangyari sa ibang mga Pinoy na pina-call back at nag-audition?

Nandyan si Gerald Santos na confident sa pagiging Thuy. Nasaan din kaya sina Christian Bautista, Mark Bautista, Jet Pangan at iba pang nagbaka-sakali na matanggap sa Broadway?

Ano rin ang nangyari sa isa pang Pinay na nag-Kim na sa West End na si Tanya Manalang?

Hindi man lang ba siya na-consider na mag-Broadway? Ikalulungkot ‘yan ng mga kaibigan naming sina Em Arches aka Empaktitah at Buboy Saladores aka Dawnselya ng Nueva York.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.