Claudine, female version ni Baron?!

Claudine Barretto

MARAMI pa rin ang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Claudine Barretto sa kanyang pinost na nasa poder nina Raymart ang nanakit sa anak niyang si Santino.

Sa showbiz, kilalang buo at hindi maingay ang pamilya Santiago. Wala silang reputasyon bilang masasamang tao.

Sana, isalba na lang ni Claudine ang kahihi­yan ng kanyang mga anak.
Ayusin na ito nang pribado at hindi na i-social media pa.

Ayaw siguro ni Claudine na maging female version siya ni Baron Geisler, ‘di ba?

***

Marami nang nag-react sa mga isiniwalat ni Ping Medina sa Facebook about Baron Geisler.

Sana, idaan pa rin ito sa proper channels at mag-file ng complaint sa Actors Guild o sa PAMI para hindi lang social media war at may official a­ction na maganap.

Marami nang nag-ii­ngay, kailangan ay aks­yon na dumaan sa tamang proseso.

***

Aside from the opening of the 2 Filipino films na ini­ligwak sa MMFF o­fficial list, aabangan today ang mga artistang sasa­ma sa Anti-Marcos Burial r­ally sa EDSA Shrine.
Sana, matigil na ang pagkakahati ng bansa sa kulay.
Ngayon, itim ang kulay ng mas maluwag sanang EDSA.

***

Inah de Belen at Jake Vargas
Inah de Belen at Jake Vargas

Nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso afternoon drama series na Oh My Mama.

Happy si M­aricel (Inah de Belen) sa nalamang si Zach (J­eric Gonzales) pala ang b­atang nagbigay sa kanya ng balloons.

Nagtapat si Zach, m­ahal niya si Maricel.
Syempre, may moment din si Maricel with Julio (Jake Vargas).

At may suntukan sina Zach at Julio!
Selos si Zach!

***

Suspended ng Twitter ang IDENTITY THIEF-POSER-IMPOSTOR na Puri Titiwang.
Ang tunay at dalisay na Puri Titiwang ay walang account sa Twitter.

***

Marahil, nasabi ni Paolo Ballesteros na hindi niya papanoorin ang anak niya ng pelikulang Die Beautiful out of res­pect na lang at hiya kay Bossing Vic Sotto who is promoting Enteng Kabisote 10 and The A­­ba­ngers sa Eat Bulaga.

Noong umuwi si Pao mula Tokyo Internatio­nal Film Festival ay binati siya at sobrang proud sa kanya ng anak niya.

Kung mabibigyan ito ng PG rating, isang proud daughter wanting to watch her father’s winning performance ang magiging kahihinatnan ng anak ni Paolo.