Ang taray ni Claudine Barretto dahil ang susunod na movie na gagawin niya for Viva Films ay sa France pa kukunan.

Nakipagmiting na ang aktres kay boss Vic del Rosario at ang box-office director ngang si Sigrid Andrea Bernardo ang magdidirek nito.

Ngayong July ito magsisimula dahil pinayuhan pa raw si Claudine na mag-reduce pa ng konti. Gusto nilang ibalik ang youthful look na kaila­ngan nila sa movie.

Hindi lang si Claudine ang excited sa project, dahil pati ang mga fan niya ay biglang nabuhay sa balitang ito.
Wala pang detalye kung ito yung pagsasamahan nila ni Mark Anthony Fernandez o meron siyang ibang leading man.