Claudine mas bet si Julia Montes sa pamangkin

Claudine mas bet si Julia Montes sa pamangkin

Marami na namang magtataas ng kilay sa naging reaksyon ni Claudine Barretto sa tanong sa kanya ng isa niyang follower.

Sa kanya kasing socmed account, tinanong ng isang ka.ren9381 kung sino ang mas magaling umarte para sa Optimum star: kung ang pamangkin niyang si Julia Barretto o ang nagbabalik sa eksenang si Julia Montes.

Walang kagatul-gatol ang naging sagot nito na @ka.ren9381 julia montes,OF COURSE.

Dahil dito maraming nag-react sa naging reply niya with an exclamation point dahil in all caps ito.

Sey ng netizens, talaga raw hindi pa humuhupa ang away ng magtita.

Dahil dito, inaasahang muli na namang mabubuhay ang pansamantalang namahingang away ng magkakapatid.

Hirit naman ng isang follower ni Julia, dapat daw ang naging comparison ay kung sino ang mas magaling kina Claudine at Judy Ann Santos. (Archie Liao)