Claudine napundi sa Hyundai

Hindi na nakapagtimpi pa si Claudine Barretto at nanawagan na sa supplier ng isang South Korean car maker na Hyundai. Ang kanyang panawagan ay inilabas niya sa Instagram.

Ayon kay Claudine, inaasahan niya na gagawin ng Hyundai Asia Resources Inc. (HARI) ang kanyang 14-seater mini bus. Subalit ang solusyon na ginagawa ng car supplier ay puro pagpapalit ng piyesa.

Aniya, “Hyundai PH ano na mangyayari sa atin? ‘Yung silver ko na H350 pinuntahan n’yo, nakita n’yo difference ng silver sa black kong H350. Palit piyesa na naman??? ‘Di ba pinalitan nyo piyesa last mga June last year?”

Kaya ang nais ngayon ng aktres ay ibalik na lang ang black and silver na sasakyang binili sa kanila.

Sey niya pa, “Yun na ba solution n’yo? Ibabalik ko na lang both cars black and silver. Kaya kami kumuha ng isa pa dahil sabi n’yo pwede palitan? Sakit ng ulo ko sa inyo. Palitan n’yo van wag yan piyesa uli.”

Dahil dito, ang mga netizen at fan na mismo ni Claudine ang nagta-tag sa car supplier. May isang netizen naman ang nagsabing bakit kailangan pang ipost ni Claudine ang kanyang personal issue sa Hyundai.

Tugon ni Claudine, “sorry po but we complaind, wrote a letter call them they DIDNT RESPOND.”

Bukas ang panig ng Hyundai para sa kanilang paliwanag. (Rona Ronda)