Claudine tinangging iligal ang pag-ampon sa panganay

Claudine tinangging iligal ang pag-ampon sa panganay

Mariin ang pagtanggi ng aktres na si Claudine Barretto na iligal ang pagkaka-ampon niya sa panganay na si Sabina. Isiniwalat pa niya sa journalist na si MJ Felipe na kilala niya ang nagkakalat ng fake news.

Aniya, “We know actually kung sino nagkakalat no’n. They too have an adopted child. What they don’t know is I have a close relationship with DSWD, because I was a social worker for the longest time.”

Ikinuwento niya ito sa Adoption Awareness Month ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang isa sa mga ambassadress ng “Adopted Ako Proud Ako”.

Iginiit pa nga niya na hindi siya makakasama sa presscon na iyon kung hindi siya dumadaan sa ligal na proseso. Bilang patunay ay nagsama pa siya ng abogado.

Pahayag ng abogado ng aktres, “We already addressed this matter out, pumunta na kami nu’ng December sa DSWD, and then we are already in the process of finalizing the legalities, so walang katotohanan ‘yan. ‘Yan ay paninirang-puri lamang for whatever motivation.” (Rona Ronda)