Bongga at hindi basta nanahimik si Claudine Barretto para sa kaibigang si Piolo Pascual.

Nag-react si Claudine dahil sa mga pamba-bash ng ilan kay Piolo kaugnay ng picture na nakahiga sila ng anak na si Iñigo Pascual at nakayakap ang anak niya sa kanya habang natutulog ito.

Ang iba kasi, binigyan ng malisya ang picture na ‘yon at kung anu-ano pa ang pinagsasasabi, huh!

Bilang kaibigan at bilang mas tunay na nakakakilala kay Piolo, ipinagtanggol ni Claudine ang ang aktor.

Sabi ni Claudine, kung kilala lang ng bashers ang totoong Piolo Pascual, mapapahiya sila sa mga pinagsasasabi nila, huh!

Sa tingin namin, naawa lang talaga si Claudine sa mga wala sa lugar na pamba-bash kay Piolo, kaya nag-react na rin siya at hindi puwedeng pagbintangang nakikisawsaw lang ang aktres, ‘noh?!

‘Yun lang!

***

NAALIW kami sa ilang basketball players ng isang team sa UAAP.
Nakita namin silang gumigimik sa isang club sa The Fort Global City kamakailan.
Pogilicious ang karamihan sa kanila at mala-hipon ang iba.

In fairness, nang una namin silang makita, puro mga girl ang kalandian nila.
Tsika-tsika sila sa mga girl, pero paalis-alis sila sa lugar nila sa malaking club na ‘yon.

Nang paalis na kami, nagulat kami dahil nadaanan namin ang iba sa mga basketbolistang ‘yon na nasa ibang table.

Hindi na mga girl ang kasama nila kundi mga bading na!
Mukhang ang mga bading na ‘yon ang sponsors ng mga basketbolistang ‘yon.

Ang ilang bading na kilala namin, inggit sa mga bading na ‘yon dahil walang pakialam ang mga basketbolista na ka-join sila!

***

In fairness to Mother Lily Monteverde, kahit hindi siya tumitiba nang husto sa karamihan ng kanyang mga proyekto, wala siyang kapaguran sa pagpoprodyus ng pelikula.
Mahal ng Regal Entertainment producer ang movie industry.

Kahit ilang beses na niyang sinabi noon na gusto na niyang mag-quit, walang naniniwala sa kanya dahil sunud-sunod pa rin ang mga pelikulang ipinoprodyus niya.

At ngayon, masaya na naman si Mother Lily dahil isang beki-movie ang handog ng kanyang film outfit, ang That Thing Called Tanga Na.

Masaya si Mother Lily kapag napapaligiran ng mga bading, kaya masaya siya na nakagawa na naman ng beki-movie ang kanyang film outfit.

Sabi ni Mother Lily, aliw na aliw siya kapag pinapanood ang mga eksenang kinunan ni Direk Joel Lamangan sa That Thing Called Tanga Na.

“Masaya ang mga bading, kaya happy ako kapag kasama ko sila,” madalas sabihin ni Mother Lily.

Noong weekend, nakita namin si Mother Lily sa isang Japanese restaurant na kasama ang producer/director na si Perci Intalan na asawa ni Direk Jun Lana.

Mukhang may niluluto na naman silang proyekto.

Nang umalis si Perci, si Direk Elwood Perez naman ang ka­tsikahan ni Mother Lily, pero wala raw silang nilulutong proyekto.

Sinamahan lang daw niya ang dati niyang producer at enjoy lang sila sa tsikahan.