Clearing ops sa Baclaran tuloy-tuloy

Nagsagawa ng clearing operation ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Paranaque City Police, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government sa bahagi ng Baclaran, Paranaque City kahapon.

Dakong alas-nuwebe ng umaga nang isagawa ang operation sa pagtataboy sa mga vendors at paglilinis sa kahabaan ng Taft Avenue, Baclaran extension ng nasabing lungsod.

Pinangunahan ni Supt. Yahya Yusup, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 1 ng Paranaque City, at ang mga tauhan at opisyal ng MMDA ang muling paglilinis sa nabanggit na lugar ng mga obstruction at pagtataboy sa mga nagbabalikang mga illegal vendors sa lugar sa kahabaan ng LRT-Taft Ext. na sanhi ng pagbibigat ng daloy ng trapiko at sagabal sa mga commuters.

Naging mapayapa at maayos naman ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan at mga tauhan ng MMDA at wala namang iniulat na karahasan sa nasabing clearing operation.