Clint itinanggi ng bilyonaryang trans

Idinenay ng Thai trans billionaire na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip na may relasyon sila ng ex ni Catriona Gray na si Clint Bondad.

Naging laman kasi ng mga pahayagan ang sweetness ng dalawa na kumalat at pinag-usapan sa social media kamakailan.

Sey ni Anne, hindi niya boyfriend si Clint dahil may nahanap na siyang ‘soulmate’.

Dugtong pa niya, big sister lang daw siya sa Fil-German model turned actor at kapatid lang ang turing niya rito.

Hirit pa niya, hindi raw ang tipo ni Clint ang type niya sa lalaki.

Si Anne ay tinanghal na “Asia Media Woman of the Year” sa nakaraang Content Asia Summit 2019 na ginanap sa Singapore. (Archie Liao)