Pasabog ng 40 points at 10 rebounds si Russell Westbrook para pangunahan ang rally ng Houston Rockets­ tungo sa 122-117 panalo laban sa dina­yong Los Angeles Clippers Huwebes ng gabi.

Most points na inilista ni Westbrook sa 45 NBA games niya sa Staples Center, pang-12 na may 30 o higit pa. Pang-44 din na 40-point game ng kanyang 11-year career, inakbayan si Karl Malone sa 22nd ng career-list.
“When you give so much attention to (James) Harden you forget the other MVP that is on their team,” bulalas ni Clippers coach Doc Rivers. “You have to respect him and play him the right way.”

Si Westbrook pa lang ang unang Rocket maliban kay Harden na nagsumite ng 40-point game tapos umiskor ng 45 ni Kevin Martin kontra Portland noong Jan. 5, 2011. Siya rin ang unang Houston player maliban kay Harden na nagsumite ng 30 points o higit pa sa magkasunod na laro tapos ni Jeremy Lin noong 2013.(VE)