Clippers, Thunder umaariba

nba-clippers-orlando-magic

LOS ANGELES, California — Good news sa Los Angeles Clippers ang tamang track kay Blake Griffin para sa kanyang late January return mula sa knee surgery noong Disyembre.

Ang mas magandang balita: Tuloy ang pananalasa ng LAC kahit wala pa ang kanilang star forward kaya unbeaten pa rin sa 2017.

Nasisid ng Clippers ang fifth straight win nang umepal sina JJ Redick at Chris Paul sa huling bahagi upang mabambo ang Orlando Magic, 105-96, sa 71st NBA 2016-2017 season elims game nila sa Staples Center­ ­Huwebes (Manila time) dito.

Bumuwelta ang Clippers sa cold third quarter sa 10-2 start sa final period para makakontrol sa back-and-forth battle sa entire game. Nakatrangko ang Orlando sa 33-28 tapos ng first 12 minutes­ of play, pero binalikat ni Redick ang 9-2 run sa late ng second quarter para sa 56-51 edge sa break.

Nagpokus ang Orlando sa defense sa third, napuwersa ang Clippers na maka-5-of-15 lang sa period nang masambot ng Magic ang slim 75-73 advantage pa-final frame.

Sinilaban nina Raymond Felton at Mo Speights ang fourth quarter run at napaabante pa ang Clippers sa seven, 92-85, sa midway ng frame, bago nagunting ng­Orlando ang gap sa three sa under a minute.

Naka-22 points si Redick, kumalkal si Paul ng 18 markers para ayudahan ang Clippers na umakyat sa 27-14. Iniskor ni Speights ang lahat ng kanyang 13 points sa fourth quarter, habang nagpista si DeAndre Jordan sa boards sa 20 rebounds pang-ibabaw sa 10 markers at three blocks niya.

Sa Oklahoma City, kinalkal ni Russell Westbrook ang kanyang 18th triple-double sa season para makarga ang Oklahoma City Thunder sa pagtiris sa Memphis Grizzlies, 103-95, sa Chesapeake Energy Arena.

Binalewala ni Westbrook ang bad shooting night — 6-of-19 field goals, 0 of 7 sa 3-point line — sa pagtapos ng 24 points, 13 rebounds at 12 assists para sa 55th triple-double sa kanyang career.